ππππππππ ππ π ππππππ ππ πππ π πππππππ, πππππππ πππππππππ ππ ππππππππ πππππ ππ πππ ππππ
Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Looc ang mga Barangay Officials ng San Fernando, Sibuyan sa kanilang learning visit sa iba’t ibang tanggapan ng Local Government Unit (LGU) ng Looc.
Β
Pinangunahan ni Mayor Lisette Arboleda, kasama sina SBM Jimwel Soriano at Vice Mayor Bong Osorio, ang pagtanggap sa delegasyon. Sa isinagawang pagbisita, ipinakilala sa kanila ang iba’t ibang opisina ng LGU at ibinahagi ang pang-araw-araw na daloy ng operasyon, mga proseso sa paghahatid ng serbisyo publiko, at ang koordinasyon ng bawat tanggapan upang masiguro ang maayos na paglilingkod sa mga Loocnon.
Layunin ng naturang learning visit na magbahagi ng mga mabubuting pamamaraan sa pamamahala at palakasin ang ugnayan ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kaalaman at karanasan sa mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko.
Β
Malugod na tinatanggap ng LGU Looc ang mga ganitong inisyatibo na nagsusulong ng pagtutulungan at patuloy na pagpapabuti ng pamamahalang lokal.
Β
