๐ฃ๐ฅ๐ข๐ฉ๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฌ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐ข ๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ ๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ก๐๐๐ฆ๐๐๐๐ช๐ ๐ฆ๐ ๐๐ข๐ข๐, ๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ข๐ก
๐๐๐ญ๐จ๐๐๐ซ ๐, ๐๐๐๐ – Matagumpay na naisagawa sa bayan ng Looc, Romblon ang pagdiriwang ng Provincial Elderly Filipino Week 2026, na pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pakikipagtulungan ng National Commission of Senior Citizens. Mainit at boung-pusong sinuportahan naman ito ng Pamahalaang Bayan ng Looc sa pangunguna ni Mayor Atty. Lisette Medina Arboleda, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Sir Ronald Fetalsana bilang host municipality.
ย
Nakiisa sa makabuluhang pagdiriwang ang mga senior citizen mula sa ibaโt ibang bayan ng Romblon, tampok ang kanilang sigla, talento, at aktibong pakikilahok sa ibaโt ibang programa at aktibidad bilang pagkilala sa mahalagang papel ng ating mga nakatatanda sa pamilya at komunidad.
ย
Nagpakita rin ng suporta si Governor Trina Fabic Firmalo, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, bilang pagpapahalaga at pagkilala sa kontribusyon ng ating mga senior citizen sa lalawigan.
ย
Dumalo rin at nakibahagi ang mga Alkalde ng Bayan ng Ferrol at Sta. Maria, kasama ang kanilang mga kinatawan mula sa sektor ng senior citizens, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at patuloy na suporta para sa kapakanan ng ating mga nakatatanda.
ย
Isang makabuluhan at masayang pagdiriwang para sa ating mga Elderly Filipinosโpagpupugay sa kanilang mga ambag, karanasan, at mahalagang papel sa paghubog ng ating mga pamayanan.
ย
