๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‹๐จ๐จ๐œ, ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Ž๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ข ๐‘๐ž๐ฏ. ๐‘๐จ๐ ๐ข๐ž ๐Œ๐จ๐ซ๐š๐ง๐ญ๐ž

๐Ÿ๐Ÿ• ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”ย – Malugod na tinanggap ng Bayan ng Looc ang Ordination to the Sacred Order of Presbyters ni Rev. Rogie Galario Morante
Isang makasaysayang araw para sa Bayan ng Looc ang pagdaraos ng Ordination to the Sacred Order of Presbyters ni Rev. Rogie Galario Morante, isang tubong Looc, na ginanap sa St. Joseph, Spouse of Mary Parish.
ย 
Buong pagmamalaki at kagalakan siyang sinalubong ng Pamahalaang Bayan ng Looc at ng buong sambayanan sa kanyang pagtanggap sa banal na bokasyon bilang pari. Tinatayang mahigit 2,000 mananampalataya mula sa iba’t ibang lugar ang dumalo upang masaksihan at makibahagi sa natatanging pagdiriwang na ito.
ย 
Mula sa Lokal na Pamahalaan ng Looc at sa buong sambayanang Loocnon, taos-pusong pagbati at maligayang pagbabalik sa inyong tahanan, Rev. Rogie G. Morante. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan ng Panginoon sa inyong paglilingkod sa Simbahan at sa sambayanan.
ย