Local Health Board, Pinagtibay ang mga Hakbang para sa Mas Maayos at Mas Accessible na Serbisyong Pangkalusugan para sa mga Loocnon

Patuloy ang pagkilos para sa mas maayos at mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Loocnon. 
 
Pinangunahan nina Dra. Mary Ann Gado at Municipal Mayor Atty. Lisette M. Arboleda ang Local Health Board Meeting upang talakayin ang mga health concerns at mga hakbang para mas mapabuti pa ang serbisyo sa ating komunidad.
 
Kabilang sa mga tinalakay ang RHU accreditation at Primary Care Facility (PCF) preparation, health programs and accomplishments, nutrition programs, infrastructure at equipment needs, LGU health scorecard, at mga benepisyo para sa ating health workers.
 
Patuloy ang LGU sa pagpapalakas ng ating health services dahil ang kalusugan ng bawat Loocnon ay mahalaga. 
 
#LoocArangkadaNa!