Karagdagang Silid-Aralan para sa Jose M. Solis Elementary School

๐Ÿ๐Ÿ ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” – Isinagawa ngayong araw ang Groundbreaking Ceremony para sa pagpapatayo ng bagong silid-aralan sa Jose M. Solis Elementary School sa Brgy. Camandag, Looc, Romblon.
ย 
Ang naturang proyekto ay pinondohan ng Lokal na Pamahalaan ng Looc at inaasahang makatutulong sa pagpapabuti ng pasilidad ng paaralan at sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa oras na ito ay matapos sa loob ng tinatayang tatlong buwan.
ย 
Pinangunahan ang programa ni Vice Mayor Bong Osorio bilang kinatawan ni Mayor Lisette M. Arboleda. Dumalo rin si Municipal Engineer Genecris Lachica na siyang mangangasiwa sa implementasyon ng proyekto, kasama si Sangguniang Bayan Member Jimwel Soriano, Punong Barangay Robert Palacio ng Camandag, at School Principal Darwin Progosa.
ย 
Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang pagbabasbas sa lupang pagtatayuan ng bagong gusali bilang hudyat ng pagsisimula ng proyekto.
ย 
Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang mga pasilidad pang-edukasyon at makapagbigay ng mas maayos at komportableng kapaligiran sa pagkatuto ng mga kabataang Loocnon.

#LoocArangkadaNa!
729991846_1705279397141468_7417710304923971350_n
727904359_1562897795301149_4530976767587369955_n
726526161_1763887664595385_6986929545946625136_n
728294009_896858723472954_8321264966418533131_n