๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐€๐ƒ๐€๐‚ ๐š๐ญ ๐๐๐€๐“๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‹๐จ๐จ๐œ

๐Ÿ๐Ÿ’ ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” – Isinagawa ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Training 2026 para sa mga Barangay Officials at Barangay Tanod ng Bayan ng Looc, sa pangunguna ng Looc Municipal Police Station.
ย 
Taun-taon itong isinasagawa upang palawakin at patatagin ang kaalaman, kakayahan, at kahandaan ng ating mga Barangay Officials at Tanod sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa bawat komunidad.
ย 
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng ating mga barangay frontliners sa pagpapatupad ng mga batas, pagpapanatili ng kaayusan, at paglaban sa ilegal na droga. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas magiging handa sila sa pagbibigay ng mas mahusay at mas epektibong serbisyo para sa bawat Loocnon.
ย 
Patuloy nating isulong ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na Bayan ng Looc.
ย