๐๐๐-๐๐๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐๐ ๐๐จ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ญ๐ข๐จ ๐๐ฎ๐ฆ๐ซ๐จ๐ , ๐๐จ๐จ๐, ๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐ฌ๐๐ง
Opisyal nang pinasinayaan ang bagong konkretong daan sa Sitio Dumrog, Poblacion, Looc, Romblon, isang proyektong naglalayong mapabuti ang access at transportasyon para sa mga residente ng lugar.
ย
Ang proyektong ito ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐จ๐ป๐ถ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ผ๐ผ๐ฐ at ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ผ๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ (DILG). Bahagi ito ng programang na-avail ng Municipality of Looc matapos makamit ang ๐ฆ๐ฒ๐ฎ๐น ๐ผ๐ณ ๐๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ (SGLG) noong 2025.
ย
May kabuuang 405 meters ang concreted road project -320 meters na pinondohan ng LGU ng Looc at 85 meters mula sa DILG.
ย
Ayon kay ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐๐๐. ๐๐ถ๐๐ฒ๐๐๐ฒ ๐ . ๐๐ฟ๐ฏ๐ผ๐น๐ฒ๐ฑ๐ฎ, patuloy lamang na ginagampanan ng Local Government ang trabaho at responsibilidad nito para sa mga Loocnon. Ang pagkamit naman ng Seal of Good Local Governance ay dumating bilang isang ๐ด๐ฎ๐ป๐๐ถ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ at resulta ng patuloy na pagsisikap at paglilingkod.
ย
Higit pa sa pondo at programa, naging mahalaga rin ang kabutihang-loob ng ๐๐๐ต๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐ at ๐ ๐ฒ๐ฟ๐พ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐, na nag-donate ng lupa na naging bahagi ng lugar na pinagdausan ng road project. Maraming salamat po sa inyong malaking ambag para maisakatuparan ang proyektong ito para sa komunidad.
ย
Personal ding dumalo at nagpakita ng buong suporta sina DILG Regional Director Rey S. Maranan at DILG Provincial Director German F. Yap, kasama ang iba pang kinatawan at katuwang ng pamahalaan.
ย
Dumalo rin sa okasyon sina Vice Mayor Bong Osorio, SB Member Jimwel Soriano, SB Member Benjie Galindez, Engineer Genecris Lachica, at ang mga Barangay Officials ng Poblacion na nanguna at naging bahagi ng isinagawang inauguration.
ย
Ang kalsadang ito ay higit pa sa konkretong daan-ito ay dagdag na access, kaginhawaan, at oportunidad para sa mga residente ng Sitio Dumrog at sa buong komunidad.
ย
